Tinawagan ko si Beki No.1 nung Tuesday morning, alam ko on the way to work pa lang siya. He picked up the phone and said "Tawagan kita" and then he hung up the phone. I called him again after 3 hours yata, sa office number niya, hindi sinagot. Hanggang ngayon hindi pa rin ako tinatawagan ni Beki No.1. Baka busy.
Tinawagan ko rin si Beki No.2 nung Tuesday morning, hindi siya sumagot. Actually, tumawag ako sa kanya nung Monday din, around lunch time, hindi rin siya sumagot, pero nung kinahapunan naman, nag-email ako sa kanya, nag-reply naman ang hitad, kamustahan lang, one-liners, ganun naman siya makipag-usap sa email. Tumawag ulit ako nung Thursday ng tanghali, una sa cellphone niya, tapos sa landline niya, parehong hindi sinagot, nakulitan yata sa kin.
Wala akong masyadong kaibigan na bakla dati. I remember meron akong naging kaibigan nung high school, si Jokla No.1. Okay naman siya kaya lang palaging nanghihingi ng pera saka nag-addict-addict yata later on. Balita ko sa JP Morgan daw nagta-trabaho ngayon, buti naman at naging maayos ang buhay ng gaga. Meron pa kong naging kaibigan nung high school, si Jokla No.2. Malapad din ang noo at competitive ang ate ko, talagang palaparan kami ng airport! Matalino talaga siya, masipag, nasa mataas na section, samantalang ako, nasa Virgo, ang section ng mga nagpapanggap na birhen at magaganda hahaha. Anyway, pareho pa rin kami ng school nung college, naging kaklase ko pa nga sa PE ang bruha, nakatambay kami habang pinagba-basketball yung mga kaklase namin. I tried contacting si Jokla No.2 nung umuwi ako sa Manila last year, I got his email address dun sa school na pinagtuturuan niya, pero hindi nag-reply ang luka-luka.
Nung college, meron akong mga naging kaibigan at kabarkada na talagang babakla-bakla at yung iba naman ay natsi-tsismis lang na bakla, pero hindi raw sila bakla. Hanggang ngayon wala pa rin silang asawa at ewan ko nga ba kung totoo na hindi sila bakla.
When I moved here, meron akong nakilalang 3 bakla nung 2001. Si Bading No.1, isang matabang bakla na yamanechi (mayaman), si Bading No.2, isang Malaysian na baklang Muslim, at si Bading No.3, isang baklang refugee na galing Baguio.
Nakilala ko si Bading No.1 sa gathering ng Dignity, isang tago na Catholic organization ng mga bakla dito. Nung binenta ng landlady ko yung tinitiran ko nun, sa condo niya ako tumira ng 3 months. May-ari yata sila ng radio station sa Pilipinas, Chinese ang lola mo, mayaman ang pamilya niya. Matalino ang bruha, Magna Cum Laude yata sa UP, tapos nag-AIM pa, pero for some reason, parang clerk lang siya sa Charles Schwab nung nagkakilala kami. Mahilig sa lalake at mahilig sa laman at labahan (bathhouse), nagkita pa sila minsan ni Bading No.3 (more on him later) sa isang sex video store na hadahan. Kwento ni Bading No.3, meron daw siyang nakita na nakahambalang na malaking bakla sa harap ng TV at may tinatrabaho na lalake. Nung nilapitan niya, nakita niya si Bading No.1 at nagkamustahan pa sila habang patuloy na tina-trabaho ni Bading No.1 yung lalake, kaloka!
Na-meet namin ni Bading No.1 sina Bading No.2 at Bading No.3 sa isang Halloween party. Si Bading No.2 ay isa ngang Malaysian na nag-aral sa US pero hindi niya natapos at lumipat ng Toronto. Mukhang terrorista si Bading No.2, hindi siya yung Malaysian na mukhang Asyano, Malaysian siya na mukhang Arabo, kaya yata siya lumipat ng Toronto. Nagta-trabaho siya nun sa isang Lebanese restaurant, tumutulong siya sa kitchen. Nalaman ko later on na refugee pala ang status ng gaga sa Canada. Siya nga pala yung nag-refer sa kin sa isang designer na mag-model sa isang fashion show nun. Tinawagan niya ko nung 2007 or 2008 yata, mukhang nag-asawa na yata ang gaga (ng lalake most likely) at resident na yata siya dito.
Makulay ang buhay ni Bading No.3. Nagtrabaho siya sa UAE bago siya lumipat dito sa Canada. Nung nagkakilala kami nakatira siya nun sa Tiyahin niya, nung 2000 lang din yata siya dumating sa Canada. Naging magkapitbahay kami ni Bading No.3. Aliw siya kasama kasi maraming kwento palagi. Nung time na yun, cleaner siya sa mga office buildings dito, kung minsan may raket din siya sa mga bahay-bahay, tagapaglinis ng mga misis. Masipag ang bruha, nagtrabaho pa nga raw siya sa construction sabi niya, medyo magastos nga lang dahil kung anu-anong binibili pero sabi niya consolation na nga raw yun dahil sa hirap ng trabaho niya at nagpapadala pa siya sa pamilya niya. Nawalan kami ng communication dahil na-relocate yung office namin at lumipat din ako ng tirahan. Nabalitaan ko na lang nagpo-prosti na ang bruha. Nahuli siya ng pulis habang nagtatrabaho sa kalye, may nagsumbong daw. Pinuntahan namin sa kulungan, dinaig pa si Flor Contemplacion sa kadramahan kaya nilabas na namin. Nag-p*ta pa rin siya after nun pero sa bahay na lang niya tinatanggap ang mga customer niya, merong hotline ang luka-luka, kinarir ng bonggang-bongga ang pagiging sex worker. After a year yata, binigyan na siya ng deportation order, kasi hindi na-approve yung appeal niya as a refugee. Nasa Baguio na ulit ang loka. Last na balita ko balak daw tumakbo na konsehal, ewan ko kung natuloy at nanalo.
Si Baklesh No.1 naman ay naging roommate ni Bading No.3. Lasalista si Baklesh No.1 at yamanechi din daw. Isa siyang Chakanese (chaka na Chinese) na nagpapanggap na part-Spanish kahit ang mukha niya ay parang pinaghalong Allan K at Pooh, napakaganda! Ewan ko ba kung bakit mahilig magpanggap yung ibang mga Pilipino dito, hindi na lang maging proud sa fez nila. Anyway, naging close din naman kami pero maraming insecurities ang luka-luka, mahirap siyang kasama.
Si Baklesh No.2 naman ay ang naging roommate ni Baklesh No.1 nung na-deport na nga si Bading No.3. Kaloka si Baklesh No.2, makwento, vanidosa, mabait pero medyo sensitive. Nagka-boyfriend si Baklesh No.2, medyo matanda yung guy na dating pilot. Makulay ang love story ng dalawa, pero sila pa rin naman hanggang ngayon. Dating sa banko nagtratrabaho si Baklesh No.2 pero na-relieve. Ngayon flight attendant na ang loka. Nagre-reklamo minsan pero mukha naman siyang masaya sa buhay at trabaho niya.
Tinawagan ko si Baklesh No.2 nung Thursday pero hindi sumagot ang loka. Mabuti naman at tumawag siya kagabi. Kwentuhan kami ng kuwentuhan hanggang umabot ng alas-dose. Inantok na ko at hindi ko na naikwento kung ano nga ba yung gusto kong sabihin sa mga bakla ng isang linggo.
No comments:
Post a Comment